Isa akong doktor. Ano man ang gawin ko sa buhay ko, mananatili akong doktor.
Malungkot nga lang ang sitwasyon ng Pinas sa ngayon na wala sa kalusugan ang kapakanan ng pamahalaan. Bunga nito ang kawalan ng serbisyong medikal sa maraming lugar sa ating bansa at ang hindi maikakailang baba ng sahod ng manggagawa sa ospital at mga klinika. Kaya marami sa amin ang tumaliwas sa serbisyo ng pagiging manggagamot. Marami ang kumuha ng Nursing upang makapunta agad sa Amerika o sa iba pang bansa para makipagsapalaran at mamuhay ng sapat. Sa ibang bansa, ang sweldo ng isang nars sa isang araw ay halos katumbas ng sweldo ng isang doktor na residente dito sa isang buwan. Marami din ang gaya kong pinili ang magturo sa kolehiyo at review centers kung saan ang sweldo ay higit na milya ang layo sa kinikita ng isang residente ng ospital pribado man o pampubliko.
Maliban sa pagiging praktikal, may nakukuha akong ibang fulfillment sa pagtuturo. I am content whenever I receive messages that they became successful NCLEX-RN passers or even NLE passers because of my humble efforts.
Ngunit kailanman ay hindi ko tatalikdan ang pagiging doktor. Sa isang blog na nabasa ko sa net kung saan nakahanap ako ng kakapi bilang doktor-guro, sumasang-ayon ako na masarap marinig mula sa pasyente ang mga katagang “Salamat, Dok” matapos ang isang konsulta o kung sila ay gumaling sa niresetang gamot, ngunit iba din ang kasiyahang makarinig ng “Thank you, Sir.”
“We make a living from whatever we are getting but we make a LIFE out of whatever we are giving.”
0 responses so far ↓
There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below..
Leave a Comment